BACOLOD CITY – Arestado ang isang sundalo matapos molestiyahin umano ang isang 17-anyos na special child sa loob ng isang van sa Purok Saylan, Barangay 4 kahapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Police Major Sherlock Gabana, hepe ng Bacolod City Police Station 2, inihayag nito na pilit na isinakay ni Deo Balangen, 32, at tubong Benguet, ang biktima sa loob ng van at doon minolestiya.

Desididong magsampa ng kasong rape ang pamilya ng biktima laban kay Balangen kahit pa na walang penetration na nangyari ngunit nagalaw nito ang pribadong parte ng katawan ng bata.

Sinabi ng isa sa mga saksi na nang silipin nila ang van ay nakita na lamang niyang nagsusuot na ng damit ang biktima at si Balangen.

Mariing itinanggi ng suspek ang akusasyon sa kanya at iginiit na kinausap na lamang niya ang dalagita sa loob ng van.