-- Advertisements --

Kapwa pasok sa timbang sina Filipino boxer Jonas Sultan at British boxer Paul Butler para sa kanilang paghaharap sa Liverpool, England ngayong Abril 23.

Tumimbang si Butler ng 117.8 pounds habang si Sultan ay mayroong 117.6 pounds na kapwa pasok sa 118 pounds catchweight ng 12-round interim WBO bantamweight title fight.

Nakatakda sanang makaharap ni Butler si John Riel Casimero noong Disyembre 11 sa Dubai subalit nagkaroon ng gastritis ang Pinoy boxer.

Pinagbigyan ito ng WBO si Casimero para hindi siya tanggalan ng titulo ay dapat makaharap si Butler ng hanggang Abril 30.

Nagkaroon pa rin ng problema si Casimero sa paghaharap kay Butler sa darating na Abril 23 dahil sa paggamit nito ng sauna para mabilis na maabot ang timbang na ipinagbabawal sa British Boxing Board of Control kaya pinalitan siya ni Sultan.

Ang Cebu based boxer na si Sultan ay mayroong 18 panalo, limang talo na mayroong 11 knockouts habang si Butler ay mayroong 33 panalo, dalawang talo at 15 knockouts.