BENI – Patay ang anim katao kasama na ang suicide bomber sa isang restaurant sa lungsod ng Beni sa Congo.
Ayon sa mga opisyal, ang suicide bombing attack na ito ang siyang pinaka-latest na insidente sa rehiyon kung saan naglunsad ang Congolese at Ugandan forces ng kampanya kontra mga suspected Islamists.
Sa isang statement, sinabi ng tagapagsalita ng regional governor na si Général Ekenge Sylvain na napigilan pa ng mga security guards ang suicide bomber na makapasok sa bar na puno ng tao.
Ito ang siyang dahilan kung bakit sa entrance na ng naturang bar pinasabog ng suicide bomber ang kanyang sarili.
Anim ang nasawi sa pagsabog na ito habang 14 naman ang sugatan, kabilang na ang dalawang local officials.
Magugunita na ang mga insurgents mula sa Allied Democratic Forces, isang grupo na kaalyado ng Islamic State, ang naglunsad ng kanilang tinatawag na “sleeper cell” sa Beni para targetin ang mga mamamayan doon.
Gayunman, wala namang maipakita pa ang mga otoridad na may kinalaman ang naturang grupo sa nangyaring insidente.