Dismayado ang ilang sugarcane farmers sa pagsadsad ng farmgate price ng asukal.
Mula sa P3,219 na presyo ng 50kilos o isang sako ng asukal noong nakaraang taon, bumagsak ang presyo nito sa P2,500 o nasa P50/kilo.
Ayon kay Manuel Lamata, President ng The United Sugar Producers Federation of the Philippines, lugi ngayon ang mga sugarcane farmers.
Sabi ng SRA, kung nasa P50/kilo ang bentahan ng asukal ngayon sa farmgate price, dapat nasa P77 hanggang P80 lang ang pyuting asukal sa mga palengke.
Panawagan ni Administrator Pablo Azcona ng Sugar Regulatory Administration, kinakailangan na ng government intervention kung paano mapapataas ang farmgate prices habang pinapanatili ang mababang retail prices.
Nakikita ngayon ng Sugar Regulatory Administration, baka bumaba ang local production ng asukal sa 2024.
Pero sa kabila ng pagsadsad ng presyo ng farmgate price ng asukal, nananatiling mahal pa rin ang presyo nito sa mga palengke.
Sa ngayon nasa P100/kilo ng asukal sa mga palengke.
Paliwanag ng kalihim ng Department of Agriculture na si Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. may mga isinasagawa na sila ngayong intervention para mabili ang mga asukal sa mataas na farmgate price at maibenta sa mababang presyo sa mga consumer.
Samantala, pagtitibayin pa ng Sugar Regulatory Administration ang inspeksyon sa mga industrial user, para malaman kung may nag-iipit ng supply ng asukal.