-- Advertisements --

Tuluyan nang lumabas sa monitoring domain ng Pilipinas ang Severe Tropical Storm Sinlaku, ang dating supertyphoon na nabuo sa silangan ng bansa nitong nakalipas na linggo.

Ayon sa state weather bureau, hindi na naaapektuhan pa ng naturang bagyo ang mga karagatang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility, ngunit nagdudulot pa rin ito ng bahagyang impact sa karagatang nasa labas ng monitoring domain ng ahensiya, habang patuloy itong kumikilos sa Pacific Ocean.

Dahil sa tuluyang paglayo ng STS Sinlaku, wala nang anumang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng weather bureau para sa posibleng pagkakabuo ng Tropical Cyclone sa mga susunod na araw.

Patuloy namang nakaka-apekto sa bansa ang High Pressure Area (HPA) kung saan ang malawak na epekto nito ay tumutuloy sa Extreme Northern Luzon.

Bagaman mananatiling makaka-apekto ang mainit na panahon sa malaking bahagi ng bansa, posible pa rin ang mga isolated rainshower at thunderstorm dulot ng localized thunderstorms.