-- Advertisements --

Napabilang na rin daw sa pambihirang elite players ng NBA ang Golden State Warriors MVP na si Stephen Curry matapos na masungkit ang panibagong korona sa NBA finals.

Batay sa NBA history si Curry ang ikaanim umano na player sa kasaysayan na nanalo ng apat na titulo o championships at humakot ng prestihiyosong most valuable player (MVPs) awards at kinilalang Finals MVP.

Sinasabing napabilang na raw si Curry sa pambihirang listahan ng mga great NBA players tulad nina Kareem Abdul-Jabbar, Michael Jordan, Bill Russell, LeBron James, Magic Johnson at Tim Duncan.

Maging ang Lakers legend na si Earvin Magic Johnson ay humanga rin sa narating ni Curry sa kanyang NBA career.

Nitong 2021-22 NBA season lamang ang Warriors superstar ay binasag ang all-time 3-point record ni Ray Allen, kinilalang MVP sa All-Star Game, gayundin sa Western Conference finals.