-- Advertisements --
Itinakda sa Pebrero 7 ang taunang State of the Union Address sa US Congress ni President Joe Biden.
Personal kasi na inimbitahan ni House Speaker Kevin McCarthy si Biden na agad naman itong tinanggap ng White House.
Inaasahan na ilalatag ni Biden ang mga nagawa nito sa kaniyang panunungkulan ganun din ang mga plano nito sa mga susunod na taon.
Magiging kakaiba ngayon ang pagbibigay talumpati ni Biden dahil sa nakuha ng Republicans at hindi ang kaniyang partido na Democrats ang pamumuno ng House of Representatives.