-- Advertisements --

Matagumpay na nailunsad ang Starship rocket ng SpaceX.

Matapos ang ilang minuto ng lumipad mula sa launch site sa Texas ito ay sumabog.

Ang unmanned rocket ay siyang itinuturing na most powerful space rocket.

Kahit na ito ay sumabog ay itinuturing pa rin ng SpaceX na matagumpay ang paglulunsad.

Labis na natuwa si SpaceX CEO dahil sa tagumpay na paglunsad at sinabi nito na may mga susunod pa kahalintulad nito.

Personal nitong sinaksihan ang paglipad at ito ay nanood ng personal sa control room.

Magugunitang noong nakaraang araw ay naantala ang nasabing paglunsad matapos na nagkaproblema ito sa piyesa nito.