Magandang balita para sa mga bansa ang inilabas ng The Lancet medical journal tungkol sa kontrobersyal na coronavirus vaccine mula Russia.
Ayon kasi sa datos na inilabas ng mga eksperto para sa Sputnik-V, nagpakita umano ng strong immune reponse ang nasabing bakuna sa lahat ng indibidwal na kasali sa initial critial trials.
Sa kabila nito ay kailangan pa raw busisiin ng mabuti ang gamot para siguraduhin na magiging epektibo ito sa pag-iwas sa deadly virus.
Maaalala na ginulat ng Russia ang medical community sa buong mundo noong nakaraang buwan nang aprubahan nito ang Sputnik-V upang ipamahagi sa publiko kahit hindi pa ito dumadaan sa Phase 3 trials at hindi pa naglalabas ng kahit anong research sa naturang bakuna.
Una nang ipinag-utos ni Russian President Vladimir Putin na bigyan ng Sputnik-V ang mga frontline medical workers ng bansa simula ngayong buwan bilang parte ng mass rollout na pinaplano nito sa susunod na taon.
Nakasaad pa sa report na dumoble ang level ng antibodies sa 76 participants na naturukan ng gamot kumpara sa mga nagpapagaling na COVID-19 patients.