Hindi pa opisyal na naglalaro sa NBA ay nakapagtala na ng record si San Antonio Spurs rookie player Victor Wembanyama.
Sa inilabas na ratings ng NBA 2K ng mga manlalaro para sa NBA 2K24 game ay nakakuha si Wembanyama ng 84 overall.
Ito na ang pinakamataas na rating na naibigay ng mga fans sa rookie para sa NBA 2K game.
Nahigitan ng 7-foot-3 sina John Wall at Kyrie Irving sa highest-rated newcomers na mayroon lamang sila na 81 sa kanilang rookie season.
Habang si LeBron James na nagsimula sa NBA noong 2003 ay mayroong 78 overall rating bilang rookie.
Nananatili naman si Nikola Jokic ng Denver Nuggets na mayroong pinakamataas na ratings na 98.
Habang mayroong 96 overall sina Giannis Antetokounmpo, Lebron James, Joel Embiid, Kevin Durant at Stephen Curry