-- Advertisements --
Agad na humirit ng rematch si Errol Spence matapos na mabigyan siya ni Terrence Crawford ng kaniyang unang talo sa career nito.
Nagwagi si Crawford sa 2:32 minuto ng ika-siyam na round sa pamamagitan ng Technical Knockout sa laban na ginanap sa Las Vegas, Nevada.
Ang nasabing laban ay inaabangan ng karamihan at ang pagkakaroon unified division ng apat na belt.
Sinabi ni Spence na naging malakas lamang si Crawford ay wala itong dahilan sa kaniyang pagkatalo.
Dahil dito ay mayroong ng 40 panalo, walang talo na mayroong 31 knockout si Crawford na mayroon ng WBO belt at ngayon ay nakuha na niya ang WBC, WBA at IBF title belts.
Habang si Spence ay mayroon ng 28 panalo, isang talo at 11 knockouts.