Kapwa nagpasaringan sina WBC, IBF welterweight champion Errol Spence at WBA champion Yordenis Ugas sa kanilang nalalapit na paghaharap sa Abril 16 sa Arlington, Texas.
Sinabi ni Spence na hindi na kaniya agad na patutulugin ang Cuban boxer.
Habang sa panig naman ni Ugas ay tiniyak nito na gugulatin niya ang buong mundo sa pamamagitan ng pagpapabagsak sa 32-anyos na American boxer.
Huling lumaban si Spence ay noong Disyembre 2020 kung saan tinalo nito si Danny Garcia sa pamamagitan ng 12 rounds unanimous decision.
Nakatakda rin sana itong makaharap si Filipino boxing champion Manny Pacquiao noong Agosto subalit dahil sa injury nito sa mata na kaniyang natamo sa ensayo ay umatras siya.
Pumalit si Ugas at hinarap si Pacquiao kung nagwagi ito.
Ang 35-anyos na si Ugas ay mayroong 27 panalo at apat na talo na mayroong 12 knockouts habang si Spence ay mayroong 27 panalo at walang talo na mayroong 21 knockouts.