-- Advertisements --
sona 2018
State of the Nation Address 2018 (video grab from RTVM)

Binawasan mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang talumpati sa kanyang ika-apat na State of the Nation Addrees (SONA) sa Lunes.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng Bombo Radyo Philippines sa Malacañang, sa isinagawang rehearsal kagabi, mula sa 28 pahinang talumpati ay ginawa lamang daw ito ng pangulong 18 pages.

Una rito, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar sa Bombo Radyo na posibleng tumagal lamang sa 45 minuto hanggang isang oras ang speech pero depende ito sa bilis ng pagbabasa ng Pangulong Duterte.

Sinabi pa ng source na kasama kagabi sa rehearsal ni Pangulong Duterte sina TV Malacañang Director Demic Pabalan, Director Joyce Bernal, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Undersecretary Melchor Quitain at dating Special Assistant to the President at ngayon ay Senator Bong Gosa maging si Andanar sa Rizal Hall ng Palasyo.