-- Advertisements --
107313160 1696661234669 gettyimages 1711150149 20090101231007 911 002189

Pumalo na sa mahigit 400 ang nasawi sa Israel, ayon sa mga opisyal ng Israeli at Palestinian.

Ipinag-utos ng punong ministro ng Israel na tawagan na ang mga reservist matapos magpaputok ng libu-libong mga rocket ang mga militanteng Palestinian, sumalakay sa ilang bayan ng Israel at nang-hostage.

Dagdag pa, pinalawak ni Israel’s Minister of Defense Yoav Gallant ang “special security situation” ng bansa sa kabuuan ng teritoryo ng Israel, ayon sa kanyang communication office.

Inihayag din ng minister’s office, nagbibigay-daan ito sa Israel Defense Forces (IDF) na magkaloob ng mga security instruction sa mga sibilyan at isara ang mga pampublikong lugar kung kinakailangan para sa seguridad.

Ang pahayag ng defense minister ay matapos magpaputok ang mga militante ng Gaza ng bagong round ng mga rocket noong Sabado ng gabi, na direktang tumama sa maraming lugar sa loob ng Israel, kabilang ang Tel Aviv, ayon sa Israeli authorities.

Sa isang post, sinabi ng armed wing ng Hamas — ang militanteng grupo na itinalaga bilang teroristang organisasyon ng United States, European Union, at Israel — na nagpaputok ito ng karagdagang 150 rockets bilang tugon sa pambobomba sa isang residential tower sa Gaza City.