Malaki ang pasasalamat ni House Speaker Lord Allan Velasco matapos na aprubahan na ng mababang kapulungan ang proposed Bayanihan to Arise as One Act (Bayanihan 3).
Ang pag-kakaapruba aniya sa House Bill No. 9411 ay makasaysayang pagkakataon para sa lehislatura sapagkat isinantabi ng mga kapwa niya kongresista ang kanikanilang politika para magkaisa sa iisang layunin na tulungan ang naghihirap nang sambayanang Pilipino bunsod ng kalbaryong hatid ng COVID-19 pandemic.
“For this, I profusely thank each House member for sharing my aspiration and that of Marikina Representative Stella Quimbo’s of providing fresh assistance to our people who need it badly in this time of difficulty,” ani Velasco.
Ang P401-billion na lifeline measures na nakapaloob sa Bauanihan 3 ay karagdagang tulong na rin para matiyak na mabibigayan ng direct emergency at social amelioration ang mga Pilipinas, magkaroon ng sustainable sources ng income, at stable access sa murang pagkain at kalidad na health services sa kabila ng krisis na idinulot ng pandemya.
Ibinida ni Velasco na sa ilalim ng Bayanihan 3, P216 billion ang inilalaan para sa dalawang rounds ng P2,000 cash aid sa bawat isa sa 108 million Pilipino.
Naglalaman din aniya ang panukalang batas na ito ng wage susbsidies, emergency assistance sa mga quarantine-affected households, ayuda sa mga displaced workers, national nutrition, financial assistance sa agri-fishery sector at kooperatiba, medical assistance sa mga indigents, local government support, libreng COVID-testing para sa mga seafarers at iba pang OFWs, pension at gratuity fund para sa retired military at uniformed personnel, at suporta sa basic at higher education.