Nilinaw ni Speaker Martin Romualdez na wala siyang inaatakeng sinomang kaalyado ng administrasyon.
Pahayag ito ni Romualdez matapos hingan ng reaksiyon sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte patungkol sa relasyon nila ng pangalawang Pangulo.
Batay sa naging pahayag ni VP Sara na ang pinaka akmang pagsasalarawan ng kanilangrelasyon ay ang galing kay Sen. Imee Marcos, kung saan nakwestyon kung bakit aniya niya inaatake ang kaalyado ng administrasyon.
Sinabi ni Romualdez na kaniyang nirerespeto Vice President at wala siyang matandaan na sinabi o ginawa para siya ito ay atakihin.
Binigyang-diin ni Romualdez na kahit papaano ay may pinagsamahan din naman aniya sila ni VP Sara nang maging campaign manager niya noong nakaraang eleksyon.
Dagdag pa ni Speaker na nami-miss na aniya niya si VP Sara dahil dati ay parati silang magkasama ngunit dahil sa kanilang trabaho ay hindi na sila nagkikita ng madalas.
Giit pa ni Speaker na siya ay natutuwa nuon na manalong pangalawang pangulo si VP Sara.