Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na nasa tamang direksiyon ang bansa patungo sa full economic recovery sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ito ang tugon ni Romualdez sa positive forecast ng Moody’s Investors Services sa Pilipinas para sa taong 2023.
Sinabi ni Romualdez ang forecast ng Moody ay muling pagtitiyak na ang Pilipinas ay makapagtala ng mabilis na paglago sa Growth Domestic Product (GDP) sa Asia-Pacific Region sa susunod na taon na may 6.4 percent, sumunod ang Vietnam na may 6.1 percent, China with 5.1 percent, Indonesia with 4.7 percent at Malaysia with 3.8 percent.
Ayon sa Moody ang nasabing paglago sa Growth Domestic Product ay bunsod sa demand para sa mga goods and services, maging sa fiscal policy ng gobyerno na nagpo-promote ng education, public health at infrastructure development.
Ang positibong projection ng Moody ay batay sa naging pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang GDP growth ng bansa ay tataas sa 7 percent o nasa 6.5 percent para sa kasalakuyang taon.
Kabilang sa mga naging contributing factor ay ang pagluwag ni Pang. Bongbong Marcos sa Covid-19 restrictions, pagkakaroon ng competent economic managers at malinaw na economic policies.
Muli namang tiniyak ni Speaker Romualdez na committed ang House of Representatives sa pagpasa ng mga makabuluhang priority legislation.