-- Advertisements --

Ipinagmalaki na inulat ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na 100% natapos na ng Kamara ang mga panukalang napagkasunduan na agad aaprubahan sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) at ang mga binanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) nitong Hulyo 2023.

Sinabi ni Speaker sa panig ng Kamara wala silang back subjects at ang ginagawa nila ngayon ay maghinbtay sa kanilang counterpart ang senado na imbes atupagin ang pagpasa ng mga priority bills ay kung anu-anong pinag-uusapan gaya ng Peoples Initiative at Resolution of Both Houses.

Panawagan ni Speaker tapusin na nila ang kanilang trabaho at tama na ang kung anu-ano ang pinagsasabi.

Muli ring binigyan-diin ni Speaker ang suporta niya at ng Kamara kay Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Sa 20 LEDAC bills, lima ang naisabatas na habang ang tatlo ang New Philippine Passport Act, Salt Industry Development Act at Magna Carta of Filipino Seafarers – ay ipadadala na sa Malacañang para sa lagda ng Pangulo upang maging batas.

Ang panukala para sa amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act ay isinasapinal na ng bicameral conference committee.

Habang ang nalalabing LEDAC measures na inaprubahan na ng Kamara ay nakabinbin pa sa Senado.

Ibinalita rin ni Romualdez sa Pangulo na pinagtibay na ng Kamara ang lahat ng 17 panukala na inilahad ng Punong Ehekutibo sa kanyang 2023 State of the Nation Address (SONA).