Tiniyak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na mananatiling katuwang ng mga manggagawang Pilipino ang House of Representatives (HOR), kasabay ng patuloy na pagsusulong ng mga repormang pabor sa sektor ng paggawa.
Sa kanyang talumpati sa ika-50 anibersaryo ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), sinabi ni Dy na bukas ang Kamara sa pakikipagtulungan sa mga unyon at organisasyon ng manggagawa, na aniya’y mahalaga sa pag-unlad ng bansa.
Binigyang-diin ng Speaker ang mga panukalang isinusulong sa Kongreso, kabilang ang mas matibay na proteksyon laban sa diskriminasyon sa trabaho, pagtatatag ng barangay-level workers’ registry, modernisasyon ng National Registry of Workers, at pagpapatibay ng programang TUPAD para sa mga displaced at vulnerable workers.
Binanggit din niya ang suporta ng House sa mga freelancer at online workers, pagsusulong ng mas makatarungang minimum wage system, at ratipikasyon ng ILO Convention 188 para sa proteksyon ng mga mangingisda.
Ayon kay Dy, malinaw ang mensahe ng Kamara na hindi ito ititigil ang laban para sa mas makatao, makatarungang polisiya para sa manggagawang Pilipino.










