-- Advertisements --

Nakaranas ng pinakamatinding pagbaha ang southwest Japan.

Nagdulot ng pag-apaw ng mga ilog at pagguho ng mga bundok ang malakas na ulan sa Kyushu Island.

Ayon sa national weather agency ng Japan na mayroong 402.5 milimeter na ulan ang kanilang naranasan mula pa noong Lunes nsa Kurume City na ito na ang pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng lungsod.

Maraming residente rin sa lugar ang pinalikas kung saan nasira ang ilang kalsada at nawalan ng suplay ng kuryente sa lugar.

Nagtala na rin ng tatlong katao ang nasawi na inaasahan magpapatuloy ang pagbagsak ng ulan sa mga susunod na araw.