-- Advertisements --
Sinuspendi ng pitong linggo ng South Korea football club ang kanilang striker na si Hwang Ui-jo dahil sa video scandal.
Inireklamo kasi ito ng kaniyang dating kasintahan na kaniyang kinunan ng video ang kanilang pagtatalik.
Mariing pinabulaanan naman ng Norwich City forward ang nasabing alegasyon.
Ang 31-anyos na si Huwang ay maari naman makapaglaro sa English second-tier club na Norwich.
Si Hwang ay naging malaki ang papel sa paglalaro ng South Korea sa dalawang nagdaang World Cup qualifiers.
Ayon sa Korea Football Association na kanilang sinuspendi si Hwang para bigyang daan ang imbestigasyon ng mga kapulisan.