-- Advertisements --
Mas paiigtingin pa ng South Korea ang kanilang military capacity.
Kasunod ito sa bigong pagpapabagsak nila ng limang drones ng North Korea na pumasok sa kanilang airspace.
Sinabi ni South Korea President Yoon Suk-yeol, na hindi kaaya-aya ang nasabing pangyayari.
Dagdag pa nito na para makamit ang kapayapaan ay dapat na paigtingin ang kanilang military power.
Kanilang pag-aaralan kung ano ang naging pagkukulang ng kanilang military powers.