Nanawagan si House Assistant Majority Leader Fidel Nograles sa national government na huwag nang bumalik pa sa napakahaba at malawakang lockdowns.
Ito ay kahit pa kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapasok na sa Pilipinas ang Omicron variant kasunod nang pagkakapositibo dito ng dalawang katao.
Base sa mga datos, mas mainam kung gawing scientifically-targeted granular lockdowns ang ipatupad sa pagkontrol sa pagkalat ng virus.
Bukod dito, mas minimal din ang epekto ng ganitong sistema sa kabuhayan ng publiko kaysa naman sa blanket lockdowns.
Bagama’t may naitala nang Omicron cases sa Pilipinas, maganda aniya na ito ay isolated pa sa ngayon.
Sinabi rin ng mambabatas na dapat masolusyunan na sa ngayon ang vaccine hesitancy sa ilang mga lugar sa bansa para matiyak na mayroong herd immunity, at dapat gawing available din ang booster shots para sa mga bakunado na.










