-- Advertisements --

Sisiguraduhin umano ng South Korea na magbabayad ang North Korea sa oras na ituloy nito ang pinaplantsang military action laban sa South.

Inihiyag ito ng Joints Chiefs of Staff matapos ianunsyo ng North Korea na muli nitong ipapadalaang tropa-militar ng bansa sa inter-Korean industrial park na matatagpuan sa Kanlurang border sa bayan ng Kaesong at Mount Kumgang joint tourism zone.

Ibabalik din ng NOrth Kore ang guard posts na tinanggal sa Demilitarized Zone na naghihiwalay sa dalawang Korea. Ipagpapatuloy din ng naturang bansa ang lahat ng regular military exercises malapit sa DMZ.

Ayon kay Jeon Dong-jin, director of operations ng Joint Chiefs of Staff, sa oras na itinuloy ng North Korea ang nasabing hakbang ay para na rin nitong sinira ang dalawang dekadang pagsusumikap ng dalawang bansa na mas paigtingin pa ang inter-Korean relations maging ang kapayapaan sa Korean Peninsula.

Una rito ay nanakot si Kim Yo-jong, kapatid ni North Korean leader Kim Jong-un ,na ibabasura ang lahat ng kasunduan sa pagitan ng dalawang panig. May kaugnayan ito sa umano’y pagpapakalat ng South Korea ng anti-Pyongyang leaflets na gawa raw ng mga aktibista.

Mahigpit namang binabantayan ng South Korean military ang bawat galaw ng North Korean military matapos pasabugin ng huli ang inter-Korean joint liaison office sa wester border ng Kaesong ngayong araw.