-- Advertisements --

Pumanaw na ang South Korean actress na si Kang Seo Ha sa edad na 31, ayon sa ulat ng Soompi nitong araw ng Lunes. Kinumpirma sa ulat na ang dahilan ng kanyang pagpanaw ay cancer.

Sa Instagram post, isang kaanak ni Seo Ha ang nagbahagi ng video compilation ng mga larawan ng aktres, kalakip ang emosyonal na liham bilang pagpupugay sa kanyang alaala.

‘Thank you’ and that it was fortunate that it was this long, but I was really embarrassed,’ caption sa post.

Ayon sa Soompi, nakalagak ang memorial altar ni Seo Ha sa Seoul St. Mary’s Hospital, at ang libing ay itinakda sa alas-7:40 ng umaga sa Hulyo 16, sa Haman, Gyeongnam Province.

Kilala si Kang Seo Ha sa mga palabas gaya ng ”Schoolgirl Detectives,” ”Assembly,” ”First Love Again,”
”Through the Waves,” ”The Flower in Prison,” at ”Heart Surgeons.”

Bago siya pumanaw, natapos nito ang pelikulang “Mangnaein,” na itinuturing na kanyang huling proyekto.