-- Advertisements --
sss

Nakapaglabas na ng P236.3 bilyon na benepisyo ang Social Security Systems mula Enero hanggang Nobyembre 2022 na tumalon ng 13 porsyento mula sa P208.8 bilyon sa parehong buwan ng 2021.

Sinabi ni Michael G. Regino, Presidente at punong ehekutibo ng SSS, sa isang pahayag na mayroon ding mga pagtaas sa bilang ng mga claim sa benepisyo at ang halaga ng mga inilabas na benepisyo para sa pagreretiro, kapansanan, at kapag nasawi.

Gayundin, ang buwanang disbursement ng retirement, disability, at death benefit, na may average na P16.6 bilyon noong 2021, ay tumaas sa P19.53 bilyon para sa Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.

Hanggang sa katapusan ng Nobyembre, ang pension fund ay nakatanggap ng 4.58 million benefit claims, na 7 porsiyentong mas mataas kaysa sa 4.27 million benefit claims na natanggap sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Kaugnay niyan, ang bilang ng mga pensiyonado ay lumago sa 3.18 milyon noong buwan ng Nobyembre mula sa 3 milyon noong taong 2021.

Una na rito, simula Enero 2023, tataasan ng SSS ang kontribusyon nito ng isang porsyentong na magiging 14 percent mula sa 13 percent habang ang bahagi ng employer sa kontribusyon ay tataas naman sa 9.5 percent, at bahagi ng empleyado ay mananatili sa 4.5 percent.