-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Itinuturong dahilan ng “massive explosion” sa warehouse ng militar sa Jordan Zarca, ang umano’y sobrang init ng panahon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Luningning Uson, Overseas Filipinbo Worker sa Amman, Jordan, umaabot sa 40 ºC ang temperatura sa lugar na dahilan para sumabog ang mga bombang naka-stock sa nasabing warehouse.

Ayon kay Uson, nasaksihan nila ang pagsabog na agad na sinundan ng malaking sunog.

Nagpapasalamat ang OFW na hindi na nakaabot pa sa kanilang tirahan ang sunog at wala ring naiulat na nasawi o nasaktan sa insidente.

Wala ring nadamay na iba pang establishimento dahil nasa isolated area ang nasabing warehouse ng mga militar.