-- Advertisements --

Nabigo ang Sonshine Media Network International (SMNI) na tumupad sa pangako nito sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na iwasan ang pagpapalabas ng mga banta ni dating pangulong Rodrigo Duterte laban kay House Deputy Minority Leader France Castro.

Sa pagpapatuloy ng congressional inquiry sa prangkisa ng naturang network, inihayag ni MTRCB Board Member Atty. Cesar Pareja na nangako ang network na hindi na nila uulitin ang October 10 episode na inere sa isang programa ng network kung saan pinagbantaan ng dating Pangulo ang buhay ni Cong. Castro.

Sinabi din aniya ng network na ipre-record nlng nila ang mga susunod na episode para maiwasang maulit ang nangyari.

Naresolba naman ang isyu sa isang resolution noong Nov. 9 kung saan binigyan ng warning ang network sakaling maulit pa ito. Sa ikalawa ngang pagkakataon ay nagere ulit ang network ng parehong content at nilabag ang napagkasunduan.

Samantala, isinagawa ang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kasunod ng hindi beripikadong ulat ng SMNI anchor na si Eric Celiz na nasa P1.8 billion umano ang travel funds ni House Speaker Martin Romualdez.

Subalit ayon kay House SecGen. Reginald Velasco, base sa financial reports sa biyahe sa labas ng bansa ng Speaker lumalabas na nasa P4.3 million lamang ang ginugol sa loob ng 10 buwan ngayong 2023.

Top