-- Advertisements --

Naipuwersa ng San Miguel Beermen sa Game 7 ang finals PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos talunin nila sa game 6 ang TNT Tropang texters 114-96.

Nanguna sa panalo ng Beermen si Marcio Lassiter na nagtala ng 22 points habang mayroong tig-20 points sina Simon Enciso at CJ Perez at nalimitahan lamang sa 10 points, 10 rebounds at limang assists si June Mar Fajardo.

Sa simula ng laro dominado ng Beermen ang laro kung saan hindi nagawang makalamang pa ang TNT.

Hindi naman nakalapaglaro sa TNT si Jayson Castro dahil sa iniinda nito ng ankle injury habang nasayang ang nagawang 31 points ni RR Pogoy.