-- Advertisements --
Nalusutan ng San Miguel Beermen ang TNT Tropang GIGA 91-89 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.
Umabot pa ng hanggang 15 points ang kalamangang Beermen sa first half.
Pagpasok ng second half ay umarangkada ang TNT sa pangunguna ni Jayson Castro.
Bumida sa Beermen si June Mar Fajardo na nagtala ng 15 points at 17 rebounds habang mayroong tig-12 points sina Marcio Lassiter, Jericho Cruz at Don Trollano.
Inamin ni SMB coach Jorge Gallent nagkaroon sila ng maraming pagkakamali sa free throws subalit nakabawi sila sa depensa para makuha ang ikalawang panalo.