-- Advertisements --

Tanggap na ng pamilya ni Smash Mouth lead singer Steve Harwell na hindi na ito magtatagal na mabuhay.

Kasunod ito sa matagal ng iniindang sakit at nakaratay na sa pagamutan.

Ayon sa manager ng banda na nasa final stage na siya ng liver failure kung saan hindi na ito makakaya ng mga gamutan.

Mula sa pagamutan ay inilipat na siya kaniyang bahay.

Sinabi ng kaniyang kaanak mayroong problema ang singer sa labis na pag-inom ng mga nakakalasing na inumin.

Noong nakaraang dalawang taon ay hindi na natapos nito ang kaniyang pagkanta dahil sa labis na kalasingan.

Na-diagnosed din siya ng iba’t-ibang sakit gaya ng cardiomyopathy, heart failure at Wernicke’s encephalopathy bukod pa sa labis na paggamit niya ng iligal na droga.