Lalo pang lumakas ang bagyong Siony na may international na Atsani, isang araw bago ang inaasahang landfall nito sa extreme Northern Luzon.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 340 km sa silangan ng Basco, Batanes.
May taglay itong lakas ng hangin na 100 kph at may pagbugsong 125 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.
Signal 2: Batanes at Babuyan Islands
Signal 1: Northern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-lo, Allacapan, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes), northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan), northern portion ng Ilocos Norte (Adams, Pagudpud, Bangui, Dumalneg, Burgos, Vintar, Pasuquin at Bacarra).