-- Advertisements --

Nagsalita ang singer na si Zack Tabudlo matapos na madawit sa hiwalayang Moira dela torre at Jason Hernandez.

Sa kaniyang social media, napuno na ito sa mga maling alegasyon ng makaladkad ang pangalan na siyang dahilan umano ng hiwalayan ng dalawa.

Sinabi nito ng may mga circle of friends sila Moira kung saan matapos ang hiwalayan ay gumawa ng paraan ang mga kaibigan na nila para malibang ang singer.

Inilalabas nila aniya isa-isa ang singer para gumaan ang loob matapos ang hiwalayan.

Giit pa ng singer na bumabawi lamang siya dahil sa hindi nawala si Moira noong mayroon siyang dinadalang problema.

Magugunitang noong Mayo 2022 ng kinumpirma ni Moira na hiwalay na sila ng asawang si Jason.