-- Advertisements --
Engaged na ang singer na si Demi Lovato sa nobyong songwriter na si Jordan Lutes.
Kinumpirma ng kampo ni Lovato ang engagement ng dalawa matapos ang mahigit isang taon na relasyon.
Naging pribado ang proposal ni Lutes kay Lovato kung saan isang pear-shaped diamond ring ang engagement ring nito.
Matapos ang proposal ay nagdiwang sila kasama ang kanilang mga kaanak sa isang restaurant sa Los Angeles.
Nagkakilala ang dalawa noong Enero 2022 ng magsama sa kantang “Substance”.
Naging magkaibigan sila ng ilang buwan hanggang nagsimulang mag-date.