Hawak ngayon ng PNP ang itinuturong kasabwat ng tinaguriang drug queen na si Guia Gomez Castro na naaresto sa buy bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police District (MPD) Station 4.
Kinilala ng pambansang pulisya ang suspek na si Marlon dela Cruz ng Sampaloc, Maynila.
Naarsto si Dela Cruz sa anti-drug operation ng mga otoridad sa Algeciras Street, Barangay 484, Zone 43.
Ang naturang barangay ay nasasakupan ng umano’y drug queen na si Castro.
Nakumpiska kay dela Cruz ang walong pirasong transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P30,000.
Nakumpiska rin mula sa suspek ang isang pirasong P500 bill na ginamit bilang buy bust money.
Kakasuhan si Dela Cruz ng paglabag ng Section 5 at Section 11 ng Article II ng Republic Act No. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.