-- Advertisements --

Kinuwestiyon ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang pinagkukunan ng pondo ng Department of Agriculture (DA) para sa subsidiya ng P29/kilo na bigas na ibinibenta sa Kadiwa stores.

Base sa pagtaya ng grupo, sagot ng pamahalaan ang P21 ng halaga ng kada kilo ng bigas para ibenta ito sa murang halaga na P29 sa Kadiwa stores.

Sinabi din ng grupo na ang kasalukuyang farmgate price ng bigas ay P30 kada kilo.

Iginiit naman ni Sinag executive director Jayson Cainglet na ang pagbebenta ng P29 kada kilo ng bigas ay walang direktang pakinabang sa mga lokal na magsasaka.

Kumambiyo naman si DA spokesperson ASec. Arnel de Mesa na magkomento sa naturang usapin dahil hindi pa nito alam ang operational details kung saan galing ang bigas.

Suablit sinabi ng DA official na prayoridad ang mahihirap, pwds, senior citizen sa murang bigas na ibinibenta sa Kadiwa.