LEGAZPI CITY – Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek sa nanloob sa St. Roch Parish sa Taysan, Legazpi City.
Ayon kay Father Rex Arjonan sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, sinira ng hindi pa nakikilalang suspek ang bintana ng opisina sa simahan kaya ito napasok.
Natangay ang mahigit P8,000 na cash na ginagamit ng simbahan sa mga pangangailangan nito.
Subalit nahagip ng CCTV ang itsura ng lalaki na nakasuot ng sumbrero at face mask.
Sa kasalukuyan patuloy din ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa insidente habang nanawagan din ng tulong sa publiko ang naturang pari upang mapabils na mahanap ang suispek na nasa likod ng pagnanakaw.
Dagdag pa ni Arjona na dapatwat may pangangailangan ang suspek, hindi dapat ito idinadaan sa maling paraan.