-- Advertisements --

Pinatawan ng parusa ng “ban for life” ang sikat na coach sa track and field sa United Kingdom dahil umano sa pangmomolestiya sa ilan niyang mga atleta.

Sa hatol na ibinaba ng UK Athletics governing body, napatunayan umanong guilty sa apat na kaso ang coach na si Tony Minichiello, kabilang na ang “sexually physical behaviour” sa ilang mga atleta sa nakalipas na 15 taon.

Si coach Toni ang nasa likod at tumulong sa British track and field star Jessica Ennis-Hill para makasungkit ng world title at sa Olympics at marami pang iba.

Ayon sa UK Athletics umabuso umano at lumabag sa mga tamang asal ang coach kabilang na ang pagsasamantala sa mga babaeng atleta at pambu-bully.