Lalo pang lumakas ang Bagyong Ramon sa nakalipas na mga oras.
Batay sa update ng Pagasa nitong alas-5:00 ng hapon, itinaas na ang signal number 2 sa Catanduanes.
Nakataas naman ang signal number 1 sa limang lalawigan sa bansa: Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Eastern Samar at Northern Samar.
Inaasahang mag-landfall ang Bagyong Ramon sa darating na Sabado, Nobyembre 16, sa bahagi ng Isabela at Aurora sa Sabado.
Huling namataan ang naturang bagyo kaninang alas-4:00 ng hapon sa layong 390 kilometers sa silangan ng Catarman, Eastern Samar.
Ang hangin na taglay nito ay may lakas na 65 kilometers per hour, at may bugso na aabot sa 80 kilometers per hour.
Kumikilos ito sa kumikilos sa west northwest na direksyon sa bilis na 10 kilometers per hour.
Samantala, binabantayan naman din ng Pagasa ang Tropical Storm Fengshen sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Bahagyang mas malakas ito kung ikumpara sa Bagyong Ramon subalit inaasahang lilihis naman sa tinatahak nitong direksyon at inaasahang hindi na papasok pa sa PAR sa mga susunod na araw.