-- Advertisements --
Agad itinaas ng Pagasa ang tropical cyclone signal number one (1) sa Surigao del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, at eastern portion ng Agusan del Sur (Prosperidad, San Francisco, Rosario, Bunawan, Trento, Santa Josefa, Veruela) dahil sa tropical depression Crising.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 420 km sa silangan ng Davao City.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 kph.
May lakas itong 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Inaasahan ang landfall nito mamayang gabi sa Surigao del Sur o Davao Oriental.