
Pinasalamatan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang mag-asawang sina Mila Kunis at Ashton Kutcher dahil sa pagtulong sa mga refugees.
Nakalikom kasi ang mga ito ng nasa $35 milyon sa kanilang fund raising drive bilang tulong sa mga Ukrainian refugees.
Tiniyak ng dalawa na magbibigay sila ng $3-M na mula mismo sa kanilang bulsa.
Unang target kasi ng dalawa na makalikom ng $30-M subalit laking gulat nila ng lumagpas ito sa kanilang target.
Ayon kay Zelensky na malaking tulong aniya ang perang nalikom ng dalawa.
Tinawag pa nito ang dalawa bilang ‘star’ couple na naniniwala sa panalo ng Ukraine sa mga darating na araw.
Si Kunis kasi ay isinilang sa Ukraine
habang ang asawa nito na si Kutchner ay isang American.
Sinabi ng actress na noong 1983 ay isinilang siya sa Chernivtsi, Ukraine at noong 1991 ay lumipat ang pamilya sa US.








