-- Advertisements --

Inaabisuhan ang mga pasahero ng LRT-1 na mas pinaiksi ngayong bisperas ng bagong taon, ang schedule ng operasyon ng mga tren, ayon yan sa advisory ng Light Rail Manila Corporation. (LRMC)

Ang byahe ng mga Tren mula Baclaran ngayong araw ay mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas- 7:00, habang ang mga magmumula naman sa Fernando Poe Jr. station ay hanggang 7:15pm.

Ayon sa LRMC, 10 minuto bago ang huling trip ay isasara na nito ang kanilang mga ticket booth.