-- Advertisements --

Ikinatuwa ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair at Kabayan Party List Representative Ron Salo sa naging commitment ng mga may-ari ng barko na tanggapin ang mga kadete para sa kanilang pagsasanay sa barko ng walang bayad.

Inihayag ito ng mga may-ari ng mga barko matapos dumalo sa pagdinig na pinangunahan ni Congressman Salo.

Sabi ng mambabatas,isa sa pinakamalaking alalahanin na kinakaharap ng mga mag-aaral sa maritime ay ang kanilang pagkabigo na sumailalim sa pagsasanay sa barko kaya gumawa sila ng hakbang para hindi mahirapan ang mga mag-aaral.

Lubos ang pasasalamat ni Cong. Salo sa pangakong ipinakita ng mga domestic shipowners na tanggapin ang mga kadete para sa pagsasanay sa barko.

Naniniwala si Salo na malaki ang maitutulong nito sa pagbibigay ng mga pagkakataon para sa mga naghahangad na seafarer at sa pagtugon sa kakulangan ng shipboard training slots upang makamit nila ang kanilang pangarap na makasakay sa mga international vessel.

” Ang pagsasanay sa barko ay kinakailangan sa pagiging ganap na seafarer,” sabi ni Salo.

Binigyang-diin din ng Komite na ang requirement na dapat tanggapin ng maritime training institutions na bilang ng mga estudyante ay katumbas sa bilang na available slots na kanilang napag-usapan sa mga may-ari ng barko.

“This requirement is aimed at addressing the findings by the European Maritime Safety Agency (EMSA) of non-compliance of our seafarers in training and certification. This measure will ensure that the Philippine maritime industry meets international standards,” pahayag ni Cong. Salo.

Ang Pilipinas ay may napakalaking industriya ng pagsasanay sa marino na pinamamahalaan ng pribadong sektor na gumagawa ng 25,000 hanggang 30,000 graduates kung saan maliit na porsyento lamang ang nakarating sa dagat at naglilingkod sa isang internasyonal na barko.

“The commitment shown by ship owners to accommodate cadets for shipboard training is a crucial step towards meeting the standards set by the International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW),” dagdag pa ni Salo.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang Komite na ilang mga maritime schools ay kadalasang pinapayagan ang kanilang mga mag-aaral na makapagtapos kahit na walang kinakailangang pagsasanay sa barko.

“This is not aligned with international standards and is highly unfair for our cadets, and must therefore be addressed. The education of our future seafarers is of public interest, and we should do everything we can to help them properly finish their maritime education and revitalize the Philippine maritime industry,” paliwanag ni Salo.