-- Advertisements --
image 40

Ina-activate na ang local shelter cluster teams ng Department of Human Settlements and Urban Development sa mga rehiyong tinamaan ng bagyong Goring at Hanna.

Sa pamamagitan ng inisyung memorandum ni Human Settlements and Urban Development USec. for disaster response Randy Escolango na inatasan na nito ang regional directors sa mga apektadong lugar na maging alerto para sa posibleng emergency response at humanitarian assistance.

Ang activation aniya ng mga shelter teams ay bahagi ng proaktibong hakbang upang masiguro ang kahandaan ng concerned regional offices para sa anumang pangyayari at matulungan ang mga apektadong residente partikular na ang mga nasiraan ng bahay dahil sa pananalasa ng bagyong Goring at Hanna.

Sa kasagsagan ng kalamidad, ang magiging papel ng local shelter teams ay makikipagunayan ang mga ito sa Office of the Civil Defense gayundin sa National Disaster Disaster Risk Reduction and Management Council at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan para i-coordinate ang kanilang mga ginagawang pagresponde sa mga apektadong pamilya partikular sa mga na-relocate dahil napinsala ang kanilang bahay dahil sa pananalasa ng mga bagyo.