-- Advertisements --

Ipinakita ni Sharon Cuneta ang buong suporta niya sa anak na si Miel Pangilinan matapos ang paglantad niya na pagiging miyembro ng LGBTQIA+ community.

Sa kaniyang Instagram, nagpost ang “Megastar” ng larawan ng anak habang may hawak na pride flag.

Dagdag pa nito na masaya ito sa paglantad ng anak nito dahil sa pagiging malaya na nito.

Mas lalo pa aniya itong mamahalin ang anak lalo na at ito ay lumantad na.

Pinayuhan din ang anak nito na huwag pansinin ang anumang negatibong komento laban sa kaniyang pagkatao.