-- Advertisements --
Umakyat na sa 93 ang bilang ng mga pagyanig na naitala sa Bolinao, Pangasinan mula nitong Mayo 27, 2026.
Ayon sa Phivolcs, ang mga pagyanig ay na-detect at na-verify ng dalawa o higit na pasilidad para sa monitoring.
Pero karamihan sa mga ito ay hindi naramdaman ng mga residente.
May lalim kasi itong dalawa hanggang 131 kilometro.
Ang magnitude range naman ng mga lindol ay mula 1.8 hanggang 4.4 magnitude.
Wala namang naitalang nasawi o malaking pinsala sa mga istraktura mula epicenter o mga karatig nitong lugar.
















