-- Advertisements --
Lalo pang bumagal ang inflation sa bansa noong buwan ng Setyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa isang virtual briefing, sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa na ang inflation noong nakaraang buwan ay pumapalo lamang sa 2.3 percent.
Ito na ang ikalawang magkasunod na buwan na bumagal ang inflation rate sa bansa matapos na maitala ang 2.4 percent inflation rate noong Agosto.
Nauna nang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na sa kanilang tantya ang September inflation ay pupuwesto sa 1.8 percent hanggang 2.6 percent range.