-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Hindi pa rin makapaniwala ang empleyado ng Department of Health (DOH) Bicol na abot-kamay na niya ang pangarap na maging abogado matapos na pumasa sa 2019 Bar Examinations.

Kabilang ito sa 2,103 takers na pumasa bilang bagong abogado.

Kwento ni DOH Bicol Senior Health Program Officer Jaime Guerrero, mula pa noong 1996 ay sumubok na itong makapasa sa Bar ngunit umabot ng pitong beses ang naranasang pagkabigo bago makamit ang tagumpay.

Ayon kay Guerrero, sa mga naturang pagsusulit ay lagi umano nitong sinasabi sa sarili na “too close” sa passing rate ang scores kaya’t muling susubok.

Payo naman nito sa mga ilang beses nang nabigo na huwag matakot sumuko dahil maari ring makamit ang tagumpay gaano man katagal.

Pinag-iisapan pa sa ngayon ni Guerrero kung siya ay magpapatuloy sa private law practice sakaling matapos na ang oath-taking.