-- Advertisements --

Kinumpirma ng Israel military na patay na si Hamas deputy military commander Marwan Issa matapos ang isinagawa nitong airstrike sa central Gaza Strip ngayong buwan. 

Bukod kay Issa, namatay na rin umano si senior Hamas commander Ghazi Abu Tama noong March 10 sa ginawang pag-atake ng Israel sa Nuseira.

Subalit ayon sa isang opisyal ng Hamas, hindi pa sila nakakatanggap ng mga ebidensiya na magpapatunay na wala na nga si Issa. 

Si Issa ay deputy ni Mohammed Deif, ang longtime leader ng Hamas military wing na Qassam Brigades. 

Habang ang itinuturo namang mastermind ng pag-atake ng Hamas sa Israel noong October 7 ay si Yahya Sinwar. 

Pinaniniwalaan ng Israel na buhay pa sina Sinway at Deif at nagtatago sa Gaza kaya naman nangako ang Israel na tutugisin din nila ang dalawang lider ng Hamas.