-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tumanggap ng tulong pinansyal ang mga lolo at lola sa bayan ng Midsayap Cotabato.

Umaabot sa 466 na mga senior citizens mula sa 19 na barangay ng bayan ang nakatanggap ng tig-P1,000 na ayuda sa ilalim ng Assistance and Incentives for the Development of Elderly o AIDE Program.

Ito ay ang ikalawang batch ng mga benepisyaro ng nasabing programa.

Ang AIDE (Assistance and Incentives for the Development of Elderly) Program ay isang inisyatibo ng LGU-Midsayap sa pamumuno ni Mayor Rolando Rolly “Ur Da Man ” Sacdalan katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office na pinamumunuan ni John Karlo D. Ballentes, RSW, MMPA para sa mga senior citizens na may edad 80 pataas.

Layunin nitong mabigyan sila ng karagdagang panustos sa kanilang pang araw-araw araw na pangangailangan.

Lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo dahil ito ay isang malaking tulong para sa kanila.

Ang naturang programa ay dinaluhan nina Konsehal Ian B. Ostique, Konsehal Morata Q. Mantil at Konsehal Antonio F. Bayya Jr.